Monday, March 28, 2011

Puti’ng Tinta ng Pluma

Nagiging Puti
Lamang ang tinta
Ng aking pluma sa tuwing
Nagsasagupa ang mga tigang
Nating lawas at damdamin
At sa sagupaang ito
Pareho tayong lumuluhod
Nananaginip ng gising
Halos sabay nating hinahagkan
Ang malakremang dagta
Nang panandaliang sagupaan.

Nagiging Puti
Lamang ang tinta
Ng ating mga pluma
Sa tuwing dumaranas tayo
Ng hindi maipaliwanag na
Damdamin
Ng matinding udyok
Ng pagkauhaw.

Nagiging Puti
Ang mga tinta
Na lumalabas sa ating
Uhaw na katawan
Dahil wagas at totoo
Ang bawat ugayong
Ang bawat balhas.

Sa ating pagniniig
Sa pamamagitan
Ng puting tintang ito
Lumulusong tayo
Sa hindi ordinaryong
Pagsulat, hindi ordinaryo.

Sa bawat sagupaan
At pagniniig na tulad
Ngayon
Nakagagawa tayo
Ng binalaybay
Nakagagawa tayo
Ng buhay
Nakagagawa tayo
Ng totoo-
Ng tunay-
At wagas.