Wednesday, April 6, 2011

Minsan may nagmahal na Bakla...

Minsan may nagmahal na Bakla...
Ako ay may kaibigan
teng ang kanyang pangalan
Siya ay guwapo at siya'y matapang
Siya kong pinupuri at ginagalang

Ano ba ang nangyari sa akin,
sa mundo mo ako ay namimilipit
Di makatulog, makaligo't makakain
Parang nananaginip na ayaw magising.

Anong gayuma mo at ako'y nainlove,
Sa maamo mong mukha n aking tinaglaw
Sa gabing madilim aking naiisip
Iyong ugali't makisig na tindig.

Sila'y nainggit nang tayong nagsama
Pinilit paglayuin ng mga mahadera
Laking gulat ko at ika'y naniwala
Sa kanilang sulsol, binasura mo ko sa tuwina.

Kung nalalaman mo lamang ang aking damdamin
Nagdurugo ang puso dahil sa hinagpis.
Pagmamahal yan ang nadarama
Ng pusong abang saiyo'y nagdurusa.

Bago ko sabihin ang aking ilalahad,
Malaman mo muna na ako ay tapat
Aking imumungkahi ang pagibig na sapat,
Pagkat ito lamang ang tanging nararapat.

Sana'y wag magalit sa aking sinabi
Bagamat ako'y tuliro at isang alanganin.
Ngunit sana'y palawakin ang iyong pagunawa,
Na kahit Minsan'y may namahay na BAKLA.